Task Force Against Corruption nakatanggap na ng mahigit 200 reklamo ng katiwalian
Aabot na sa 208 reklamo ng katiwalian ang natatanggap ng Task Force Against Corruption.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isangdaan at apatnaput-walo lang sa mga ito ang aktwal na kaso ng kurapsyon habang ang animnaput siyam na reklamo ang na-evaluate o kasalukuyang ini-evaluate pa.
Naaksyunan na anya ang 40 sa mga kaso na inirekomenda para sa karagdagang imbestigasyon o case build-up o kaya naman ay ini-refer sa ibang ahensya para sa komento.
Isinasangkot sa mga reklamo ang ibat ibang national government agencies, ilang GOCCs, at madaming bilang ng LGUs.
Ilan sa mga ipinaparatang sa mga reklamo ay mga paglabag sa Anti- Graft law, procurement law, Commission on Audit rules, at social amelioration programs.
Inaakusahan din sa mga reklamo ang mga sangkot na public officials at pribadong indibidwal ng overpricing, ghost projects, unfinished projects, kickbacks at commissions, panunuhol, extortion, smuggling, pekeng land titles at free patents, at ibang tiwali at iligal na gawain.
Ang Operations Center Secretariat ng task force na nasa DOJ ang tumatanggap at bumubusisi sa mga impormasyon ukol sa kurapsyon sa gobyerno na iimbestigahan ng Task Force Against Corruption.
Moira Encina