Task Force EJK iimbestigahan ang pagpaslang sa labor leader sa Laguna
Inirekomenda ng AO 35 technical working group na bumuo ng special investigation team na magiimbestiga sa pagpatay sa labor leader sa Laguna na si Dandy Miguel.
Si Miguel na vice-chair ng PAMANTIK- Kilusang Mayong Uno ay pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang salarin noong Linggo ng gabi sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bagamat hindi pa malinaw ang motibo sa ngayon sa pagpaslang kay Miguel ay iimbestigahan na rin ng inter-agency task force on EJK sa ilalim ng Administrative Order 35 ang insidente.
Ito ay dahil na rin isang aktibong trade union leader at ang paraan ng pagpatay sa biktima ay nagpapakita ng deliberate intent to kill.
Sinabi ni Guevarra na magsasagawa ng mas malalimang imbestigayon ang komite at aalamin ang pagkakilanlan ng mga suspek.
Ang AO 35 committee o task force on EJK ay nilikha sa ilalim Administrative Order 35 na layong imbestigahan ang mga kasong may kaugnayan sa pagkawala, torture, at iba pang paglabag sa karapatan sa buhay,seguridad at kalayaan ng isang tao dahil sa kanilang adbokasiya gaya ng mga labor at peasant leaders.
Moira Encina