Tatlo arestado ng NBI dahil sa iligal na pag-okupa sa protected area sa Antipolo, Rizal
Ipinagharap na ng mga reklamo sa piskalya ang tatlong indibidwal na nahuling iligal na umuokopa sa isang protected area sa Antipolo City, Rizal.
Ayon sa NBI, sinampahan ng mga reklamong paglabag sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act sina Richie Cincoflores , Allan Seduco, at Rollu Olayaval.
Inaresto ang tatlo dahil sa pag-okupa, paninirahan, at pagtatayo ng mga permanenteng istruktura sa loob ng
Upper Marikina River Basin Protected Landscape na sakop ng National Integrated Protective Area System nang walang kaukulang permit.
Matapos ang isinagawang surveillance ng NBI- Environmental Crime Division sa lugar ay ikinasa ang entrapment operation kung saan nadakip ang mga suspek.
Moira Encina