Tatlo katao napatay ng isang gunman sa Greek shipping company
Binaril at napatay ng isang dating empleyado ng isang Greek shipping company ang tatlo katao kabilang ang may-ari nito, sa isang coastal suburb ng Athens.
Pinatay ng 70-anyos na gunman na pumasok sa gusali ng kompanya sa Glyfada, ang dalawang lalaki at isang babae sa unang palapag bago ikinulong ang kaniyang sarili sa loob.
Kuwento ng isa pang kawani ng kompanya na ayaw magpakilala, “We heard gunshots and I hid under my desk before police officers helped us out of the building.”
Bukod sa may-ari ng kompanya, binaril din ng salarin ang manugang nito, na siyang co-director ng kompanya na European Product Carriers.
Ang pulisya ay inalerto ng isang empleyado na nasa loob ng gusali.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng pulisya na si Konstantina Dimoglidou, “The gunman was found dead in the basement with his weapon next to him, having ‘likely shot’ himself in the head.”
Ayon pa kay Dimoglidou, ang salarin ay nagtatrabaho sa pamilya ng may-ari ng kompanya, ngunit hindi na nagbigay ng iba pang mga detalye.
Sa isang nai-post na video ay sinabi ng isang empleyado ng kompanya na ang gunman ay isang Egyptian, at tinarget nito ang mga executive ng kompanya bilang paghihiganti.
Dagdag pa niya, “He ‘ordered us to leave’ so the employees would not be harmed.”
Una nang sinabi ng mga pulis na napasok nila ang gusali at inilabas ang dalawang babae na ikinulong ng gunman sa toilet.
Isinara naman ang mga kalapit na kalsada, at pinaligiran ng malaking bilang ng mga pulis ang gusali.
Ang European Product Carriers ay itinatag noong 1979, at mayroon itong average fleet ng 35 vessels kasama ang oil tankers, ayon sa kanilang website.
Maraming Greek at foreign shipping companies ang may mga gusali sa Glyfada, isang seaside resort sa timog ng Athens, at sa Piraeus, na isang major port malapit sa kapitolyo.