Tatlo nawawala, apat na libo ang inilikas dahil sa malakas na ulan sa Japan
Hindi bababa sa tatlo katao ang nawawala sa Japan makaraang umapaw ang mga ilog dahil sa malakas na buhos ng ulan, na tumangay sa mga sasakyan at nagbunsod ng paglikas ng ilang libong katao.
Ayon sa fire and disaster management agency, naglabas ng evacuation advisories ang mga lokal na pamahalaan sa northern prefectures ng Yamagata at Akita, sa main island ng Honshu, para sa mahigit 200,000 katao.
Sa nabanggit na bilang, hindi bababa sa apat na libong katao ang lumikas sa shelters, batay sa ulat ng public broadcaster na NHK.
Dalawang ilog sa Yamagata at isa sa Akita ang umapaw, kung saan makikita sa video footage ang maputik at rumaragasang tubig na tumangay ng ilang mga sasakyan, kabilang ang isang police vehicle na tumaob.
This handout photo taken on July 25, 2024 and released courtesy of the Akita Prefecture River Sabo Division to AFP on July 26, shows flooding along the Ishizawa river, whose embankment collapsed due to heavy rains, in Yurihonjo, Akita prefecture. At least three people were missing in Japan on July 26, after heavy rains caused rivers to burst their banks, washing away cars and prompting several thousand locals to evacuate, authorities and media reports said. Local governments in the northern prefectures of Yamagata and Akita issued evacuation advisories to more than 200,000 people, the fire and disaster management agency said. (Photo by Handout / Akita Prefecture River Sabo Division / AFP)
Sinabi ng isang lokal na opisyal, “Three people, including two police officers who were on a mission searching for a missing man, are unaccounted for.”
Una nang naglabas ang weather agency ng Japan ng pinakamataas nilang emergency alert para sa malakas na pag-ulan sa Sakta at Tuza sa Yamagata prefecture, batay sa kanilang five-tier warning system, na kalaunan ay binabaan ng ng isa.
Subalit nanawagan ang Japan Meteorological Agency sa publiko na manatiling alerto para sa potensiyal na landslides at mga pagbaha.