Tatlo pang Barangay sa Zamboanga city, idineklarang drug-free
Tatlo pang Barangay sa Zamboanga city ang idineklarang ligtas na sa iligal na droga.
Ito ay batay sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing (ROCBDC) kasunod ng isinagawang extensive deliberation proceeding.
Ang mga Barangay Licomo, Limaong at Lapakan ay nakapagprisinta ng kani-kanilang matagumpay na anti-illegal drugs campaign na may mga documentary evidence kaugnay sa nakalipas at nagpapatuloy na intervention programs sa pagrehabilitate sa mga indibidwal na gumagamit ng droga sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Sa ngayon, nasa 14 Barangay na sa lungsod ang deklarado nang drug-free.
Nauna nang naideklarang drug-free ang mga Barangay Lumayang, Lansones, Capisan, Dulian – Upper Pasonanca, Tigbalabag, Pasilmanta, Landang Laum, Sibulao, Tictapul, Tolosa at Pamucutan.
Tiniyak naman ni Mayor Beng Climaco sa oversight committee ang masugid na programa ng lungsod upang tuluyan nang mapuksa ang iligal na droga sa bawat Barangay sa kabila ng Pandemya ng Covid-19.