Tatlo pang biktima ng C-130 crash sa Sulu, nakilala na
Nakilala na ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang tatlo pang sundalong biktima ng July 4, 2021 C-130 plane crash sa Patikul, Sulu.
Batay sa report ng Scene of the Crime Operatives Lab Region 9, nakilala ang mga sundalo na sina Corporal Jerome M Balivado, Private Joey T. Loterte, at Private Kevin L Damole.
Nakikipag-ugnayan na ang Western Mindanao Command sa pamilya ng mga biktima para sa agarang pagtransport pauwi sa kanilang mga bayan ng labi ng mga sundalo.
Dahil dito, umakyat na sa 37 ang mga bangkay na natukoy na ng AFP mula sa nasabing trahedya.
Nasa 13 biktima pa ang patuloy na kinikilala.
Matatandaang July 4 ngayong taon nang mag-crash sa coconut plantation ng Barangay Bangkal ang C-130 plane ng Philipppine Air Force habang sinusubukang lumapag sa Jolo Airport.
Karamihan sa mga biktimang sundalo ay katatapos pa lamang ng kanilang military training at sa Sulu sana ang kanilang unang deployment.