Tatlo pang mahistrado ng Supreme Court, inaasahang tatanggapin ang nominasyon sa pagka-Chief Justice

Tinanggap na ng dalawang pang mahistrado ng ng Korte Suprema ang nominasyon sa kanila sa pagka-Punong Mahistrado.

Ito ay sina Justices Diosdado Peralta, at Andres Reyes Jr.

Inaasahan naman na tatanggapin din ni Justice Teresita de Castro ang automatic nomination sa kanya. Sina Peralta at De Castro ay otomatikong nominado sa posisyon dahil kasama sila jsa limang most senior justice ng Supreme Court.

Si Justice Reyes naman ay tinanggap ang nominasyon batay sa endorsement ni retired Sandiganbayan Justice at dating JBC member Raoul Victorino.

Mayroon hanggang July 26, araw ng Huwebes si De Castro na tanggapin ang nominasyon at magsumite ng mga requirements.

Si Justice Lucas Bersamin ang unang mahistrado na tumanggap ng automatic nomination sa JBC. Una nang tinanggihan ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang nominasyon sa kanya.

Wala pa naman kumpirmasyon sa kampo ni Justice Presbitero Velasco Jr na magreretiro na sa Agosto kung tatanggapin o hindi ang automatic nomination sa kanya.

Dahil dito, hindi bababa sa apat na mahistrado ang Korte Suprema ang magtutunggali para sa pwestong binakante ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

 

Ulat ni Moira Encina

 
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *