Tatlo patay, 11 nasaktan sa insidente ng pamamaril sa dalawang paaralan sa Brazil
Tatlo katao kabilang ang isang dalagita, ang napatay at 11 iba pa ang nasugatan nang mamaril ang isang lalaki sa dalawang paaralan sa timog-silangang Brazil.
Sinabi ng mga awtoridad sa bayan ng Aracruz, sa estado ng Espirito Santo, na pinaputukan ng lalaki ang isang grupo ng mga guro sa unang paaralan, na ikinasawi ng dalawang babae at ikinasugat ng siyam na iba pa.
Pagkatapos ay nagtungo ito sa isa pang paaralan, kung saan napatay naman ito ang isang dalagita at nasugatan ang dalawang iba pa, ayon kay Mayor Luis Carlos Coutinho.
Sinabi naman ni state Governor Renato Casagrande, na naaresto ng mga awtoridad ang suspek matapos ang isang manhunt.
Ayon sa gobernador, “We will continue investigating the motive and should have further information soon.”
Ang insidente ng pamamaril sa mga paaralan ay bihira sa Brazil, ngunit tumaas sa mga nakaraang taon.
Ang pinakagrabeng pamamaril sa paaralan sa Brazil ay nag-iwan ng 12 batang patay noong 2011, nang pagbabarilin ng isang lalaki ang kanyang dating pinapasukang elementary school Rio de Janeiro suburb ng Relengo, pagkatapos ay pinatay din ang kanyang sarili.
Tinawag naman ni Brazilian president-elect Luiz Inacio Lula da Silva ang bagong insidente ng pamamaril, na isang “absurd tragedy.”
Aniya, “I was saddened to learn of the attacks. All my solidarity to the victims’ families… and my support to Governor Casagrande for the investigation and assistance to the two school communities.”
© Agence France-Presse