Tatlo, patay, 13 nawawala kasunod ng pananalasa ng bagyong Quinta- NDRRMC
Tatlo na ang patay at 13 iba pa ang nawawala habang isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Quinta.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang tatlong biktima ay pawang nalunod matapos rumagasa ang tubig baha.
Isa sa mga biktima ay naitala sa Mogpog sa Marinduque habang angdalawa ay sa Negros Oriental.
Isa sa nawawala ay mula sa lumubog na yate sa Bauan, Batangas, isa sa Odiongan, Romblon na tinangay ng malakas na alon matapos tangkaing tumawid sa ilog, habang ang siyam na iba pa ay mga mangingisda sa Catanduanes at Camarines Sur.
Umabot na sa kabuuang 914,709 katao o 237,948 pamilya ang apektado ng pananasala ng bagyo.
Sa ngayon nasa 843 mga evacuation centers ang okupado sa National Capital Region, Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 7 at 8.
Wala pang datos ang NDRRMC sa kabuuang halaga ng pinsala sa ari- arian at agrikultura na hinagupit ng bagyo.
Meanne Corvera