Tatlo patay sa Israeli strike malapit sa Damascus
Tatlong Syrian soldiers ang nasawi at pitong iba pa ag nasugatan, sa pag-atake ng Israel malapit sa Damascus.
Ayon sa statement ng Syrian defense ministry . . . “The Israeli enemy carried out an air strike… from the direction of the occupied Syrian Golan… The aggression killed three soldiers and wounded seven others.” Ilan sa missiles ang naharang ng Syrian air defense.
Sinabi naman ng Syrian Observatory for Human Rights war monitor, na tatlo katao pa ang nasawi at sampu katao ang nasugatan sa kabuuan.
Ang monitor, na umaasa sa isang malawak na network ng sources sa loob ng Syria, ay nagsabi na tinarget ng mga pag-atake ang isang air force intelligence facility at tanggapan ng isang mataas na opisyal, at inatake rin ang isang kotse malapit sa Mezzeh military airport.
Winasak din ng missiles ang isang “Iranian weapons depot,” ayon pa sa monitor.
Bagama’t bihirang magkomento tungkol sa individual strikes, aminado nila na nagsasagawa ng daan-daang pag-atake.
Sinabi ng Israeli military na mahalaga ang mga pag-atake upang mapigilan ang kalaban nito na magkaroon ng kontrol.
Noong nakaraang buwan, ang pag-atakeng ginawa ng Israel sa Damascus International Airport ay naging sanhi upang ilang linggong hindi magamit ang runways nito.
Bukod sa lubhang pinsalang dulot sa civilian at military runways, sinabi ng monitor na tinarget din ng strikes ang kalapit na warehouses na ginagamit bilang weapons depots ng Iran at Hezbollah.
Ang salungatan sa Syria ay nagsimula sa malupit na panunupil sa mapayapang mga protesta, na lumaki ng lumaki at kinasangkutan na rin ng foreign powers at global jihadists.
Ang giyera ay ikinasawi na ng halos kalahating milyong katao, at pumuwersa sa humigit-kumulang kalahati ng pre-war population ng bansa na lisanin ang kanilang tahanan.
© Agence France-Presse