Tatlo patay sa pananalasa ng bagyo at mga pagbaha sa California
Nag-iwan ng tatlong patay at nagdulot ng mapaminsalang mudslides at mga pagbaha, ang napakalakas na bagyong nananalasa sa California.
Sinabi naman ng mga opisyal, na ang tatlo ay namatay sa magkakahiwalay na insidente matapos bumagsak ng mga puno dahil sa bagyo, isa rito ay sa Santa Cruz county, isa sa Yuba county at isa sa Sacramento.
Mahigit sa sampung pulgada (25 sentimetro) ng ulan ang napaulat sa isang bahagi ng Los Angeles County sa loob ng 24-oras, at wala ring forecast na titigil ito sa mga darating na araw.
Gumuho ang mga gilid ng bundok sa napakagandang lugar ng Hollywood Hills, na tumabon sa mga sasakyan at sumira sa mga bahay, habang sa kalapit na Beverly Glen, ay gumuho ang pundasyon ng isang bahay at natumba ito dahil sa mudslide.
Sinabi ng Los Angeles Fire Department na nakapagtala ito ng 130 mga baha at 39 na debris flows, na may panganib ng mas marami pang katulad nito habang patuloy sa paglakas ang mga pag-ulan.
Ang mga pag-ulan ay dulot ng isang moisture line na dumadaloy mula sa Pacific Ocean, isang tinatawag na atmospheric river na nagtatapon ng bilyun-bilyong galon (litro) ng tubig.
Ang atmospheric river ay bahagi ng isang phenomenon na kilala sa tawag na “pineapple express,” isang weather system na nagdadala ng tropical moisture mula sa karagatang malapit sa Hawaii.
A person walks away from the edge of the the Los Angeles River as the second and more powerful of two atmospheric river storms inundates Los Angeles, California, bringing record rainfall and flooding, on February 5, 2024. A powerful storm lashing California has killed at least one person, causing mudslides and flooding as Los Angeles experienced one of its wettest days ever. (Photo by Robyn Beck / AFP)
Sinabi ng forecasters mula sa National Weather Service (NWS) na asahan ang dagdag pang mga pag-ulan, at nagbabala ng flash flood na maaaring maging banta sa buhay.
Ayon sa ahensiya, “An ongoing atmospheric river event will continue to produce multiple rounds of heavy rainfall to parts of southern California including the Los Angeles Basin through Tuesday.”
Dagdag pa nito, “Dangerous small streams, urban and river flooding, mudslides, strong winds and high surf will all be possible.”
Hanggang sa walo pang pulgada ng ulan ang maaaring bumagsak ayon sa ahensiya, habang sa ibang lugar ay maaaring hanggang 14 na pulgada.
Dahil sa ‘extreme weather’ kaya nagdeklara na si California Governor Gavin Newsom ng isang state of emergency para sa malaking bahagi ng Southern California.
Sinabi ni Newsom, “This is a serious storm with dangerous and potentially life-threatening impacts.”
Ayon sa local NWS office, “Downtown Los Angeles saw one of its wettest days ever on Sunday, with more than four inches of rain.”
Sinabi ni Mayor Karen Bass, “It is vital now more than ever, stay safe and off the roads. Only leave your house if it is absolutely necessary.”
Delikado ang pagbiyahe para sa buong rehiyon, dahil sa mga kalsadang binaha at traffic jams sa iba pa.
Ayon naman sa Flightware.com, “The weather was causing difficulty for air travel, with flights cancelled and delayed out of Los Angeles Airport.”
Sa ibabaw ng mga bundok, ay umuulan naman ng niyebe (snow), kung saan ilang bahagi ng Sierra Nevada range ang binalot na ng yelo na nasa kabuuang halos 3.5 talampakan (mahigit isang metro).
Ayon sa local NWS, “The disruption was widespread, with San Francisco and the surrounding Bay Area registering wind gusts as high as 102 miles (164 kilometers) per hour Sunday.”
Samantala, mahigit 300,000 customers sa magkabilang panig ng estado ang nawalan ng suplay ng kuryente nitong Lunes, ayon sa electricity supply tracker PowerOutage.us.