Tatlo patay sa stabbing incident sa Germany

Police members and forensic experts work following an incident in which several individuals were killed on Friday night when a man randomly stabbed passers-by with a knife at a city festival, in Solingen, Germany, August 24, 2024. REUTERS/Thilo Schmuelgen

Hinahanap na ng German police ang hindi pa nakikilalang suspek sa likod ng stabbing incident sa isang festival sa western city ng Solingen, kung saan tatlo katao ang namatay.

Sa isang pahayag ngayong Sabado ay sinabi ng pulisya na walong iba pa ang nasaktan at lima sa kanila ay seryoso ang lagay.

Ayon sa pulisya, “Both victims and witnesses are currently being questioned. The police are currently searching for the perpetrator with a large team.”

Sa pahayag ng mga pulis, nangyari ang insidente bandang alas-9:40 ng gabi nitong Biyernes (oras sa Germany), nang atakihin ng lalaki ang mga tao gamit ang isang kutsilyo.

Partikular na tinarget ng salarin ang lalamunan ng mga taong kaniyang inatake, ngunit hindi na nagbigay ng dagdag pang detalye ang pulisya o kung ano ang motibo nito.

Sinabi ni German interior minister sa isang post sa X, “Our security authorities are doing everything they can to catch the perpetrator and investigate the background of the attack.”

Naganap ang pag-atake sa Fronhof, isang market square sa Solingen kung saan live na tumutugtog ang isang banda, kaugnay ng isang festival para sa pagdiriwang ng 650th anniversary ng siyudad na nasa estado ng North Rhine-Westphalia, na nasa border ng Netherlands.

Police officers secure the area where a stabbing took place at a festival in Solingen, Germany, on August 23 [Thilo Schmuelgen/Reuters]

Sa kaniya namang post sa Instagram ay ikinuwento ng German musician na kilala sa tawag na Topic at kasalukuyang tumutugtog sa kalapit na stage nang mangyari ang insidente, na may nagsabi sa kaniya tungkol sa nangyayari ngunit inatasan siya na ituloy lamang ang pagtugtog upang maiwasan na magkaroon ng isang ‘mass panic attack.’

Subalit kalaunan ay sinabihan din siyang huminto na, at dahil ang attacker ay patuloy pa sa kaniyang pag-atake kaya nagtago aniya sila sa kalapit na tindahan, habang umiikot naman sa itaas ang police helicopters.

Dahil sa nangyari ay kinansela na ng mga awtoridad ang natitira pang araw ng festival. Ang stabbing at shooting incidents ay bihirang-bihira sa Germany.

Una nang sinabi ng gobyerno sa mga unang bahagi ng Agosto, na nais nitong higpitan ang mga panuntunan sa mga kutsilyo na maaaring bitbitin sa publiko sa pamamagitan ng pagbawas sa papayagang maximum na haba nito.

Noong Hunyo, isang 29-anyos na pulis ang namatay makaraan siyang masaksak sa Mannheim nang magkaroon ng pag-atake habang may nagaganap na demonstrasyon. Isang stabbing attack naman na nangyari sa isang tren noong 2021 ang ikinasugat ng ilang katao.

Ngayong Sabado ay binisita ng interior minister ng North Rhine-Westphalia na si Herbert Reul ang pinangyarihan ng pag-atake, at sinabi sa mga mamamahayag na ang nangyari ay isang ‘targeted attack on human life,’ ngunit tumangging magbigay ng espekulasyon sa motibo ng salarin.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *