Tatlo pinangangambahang patay matapos ma-trap ang ilang minero sa isang coal mine sa India

Divers use a pulley to enter a coal mine to rescue trapped miners in Umrangso, a remote area in the northeastern state of Assam, India, January 7, 2025. REUTERS/Stringer

Pinangangambahang patay na ang tatlong minerong na-trap sa loob ng isang binahang minahan sa liblib na distrito ng north-eastern Assam state ng India.

Ayon sa mga awtoridad, hiniling na ng estado ang tulong ng army sa rescue operations habang sinisikap naman ng rescue teams na makuha ang kabuuang siyam na minerong na-trap sa loob.

Sinabi ni Assam Director General of Police GP Singh, “As of Monday evening, rescue operations were underway. “As of now, input indicates that numbers would be in single digits. The State Disaster Response Force has been pressed into service.”

Ayon sa pahayag ng local government, tatlong katawan ang nakita ng rescue teams ngunit hindi pa nila nare-recover.

Sinabi naman ng army na nagdeploy na sila ng divers, helicopters at engineers upang tumulong na mailigtas ang siyam na minero, na na-trap simula pa kahapon (Lunes), sa isang minahan sa Dima Hasao district, sa Assam.

Ayon kay Mayank Kumar, district police chief sa Dima Hasao, “The mine got flooded yesterday. They (the miners) probably hit some water channel and water came out and flooded it.”

Hindi na bagong bagay ang coal mine-related disasters sa liblib na northeastern part ng India, katunayan sa isa sa pinakagrabeng disaster noong 2019, hindi bababa sa 15 mga minero ang nalibing habang nagtatrabaho sa isang ilegal na minahan sa katabing estado ng Meghalaya, makaraan iyong mapuno ng tubig na galing sa isang kalapit na ilog.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *