Tatlo sa bawat sampung adults, overweight o obese ayon sa pinakabagong pag-aaral

obese

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Sa kalalabas na bagong pag aaral mula sa New England Journal of Medicine, dito sa Pilipinas, tatlo sa bawat sampung adults na ang edad beinte pataas ay overweight.  mas mataas ito kumpara sa mga adolescense o may edad sampu hanggang dalawampu.

Nakaaalarma din ang report sa naturang journal na apat na milyun sa buong mundo na namatay ay may kinalaman sa labis na timbang.

Nilinaw naman ng National Nutrition Council na ang isang taong obese o kaya  ay  labis ang timbang ay mas mataas ang tsansa na dapuan ng diabetes, cardiovascular diseases o uri ng cancers.

Payo ng NNC, limitahan ang pagkain ng maaalat, matatamis, at matatabang pagkain, dagdagan ang pagkain ng gulay at prutas, gawin din kahit ang simpleng ehersisyo. disiplina hindi lang sa pag eehersisyo kundi sa pagkain ng tama ang sagot upang hindi tumaas ang timbang at hindi dapuan ng mga nasabing sakit.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *