Tatlong akusado sa Jee Ick Joo case, nagsumite na ng kontra-salaysay sa DOJ
Nakapagsumite na ng kontra- salaysay sa DOJ ang tatlo sa mga akusado sa pagdukot at pagpaslang sa Koreano na si Jee Ick Joo.
Sa pagpapatuloy ng reinvestigation ng DOJ, naghain ng kanilang counter-affidavit sina SPO3 Ricky Sta Isabel, Christopher Allan Gruenberg at Ramon Yalong.
Pinanumpaan naman ni SPO4 Rafael Dumlao ang kanyang salaysay pero maghahain sila ng hiwalay na counter-affidavit.
Ang iba pang mga respondent ay inatasan namang magsumite ng kontra salaysay hanggang March 7 at March 10 na Petsa rin ng mga susunod na pagdinig sa kaso.
Sa kalagitnaan ng hearing ay pinagtalunan pa kung sino ang gagastos para sa pag-photocopy ng makapal na pleading na isinumite ni Sta. Isabel.
Samantala, dumalo rin sa pagdinig ang biyuda ni Jee na si Choi Kyung Jin at ang kasambahay nila na si Marisa Dawis.
Ulat ni : Moira Encina