Tatlong araw na pagluluksa, idineklara sa Russia matapos ang train bombing
Natukoy na ng mga otoridad sa Russia ang identity ng suspek sa pagpapasabog sa metro station ng port city ng St. Petersburg na ikinasawi ng 11 at halos 50 ang sugatan.
Ayon sa mga news agency sa nasabing bansa, mayroon lamang conflicting reports kung suicide bomber ang suspek na tinatayang nasa kanyang early 20’s at nagmula umano sa Central Asia.
Kaugnay nito ay nagdeklara ang mga otoridad sa Saint Petersburg ng tatlong araw na pagluluksa para sa mga biktima ng pagsabog.
Samantala, binisita na ni Russian President Vladimir Putin ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog at nag-alay ito ng mga bulaklak sa makeshift shrine.
Una ng inilarawan ni Putin ang insidente bilang isang “terrorist act” kasabay ng pag-utos ng agarang imbestigasyon.
Napag-alaman na nakita pa ng mga otoridad ang pangalawang device na pampasabog ngunit kanila itong na-diffuse.