Tatlong barangay na lang ang natitirang okupado ng teroristang Maute group sa Marawi City ayon sa Malakanyang
Patuloy na lumiliit ang lugar na okupado ng teroristsng Maute group sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa Mindanao hour sa Malakanyang.
Sinabi ni Secretary Esperon na personal na tinignan ni Pangulong Duterte bilang Commander in Chief ang military operations sa Marawi City.
Ayon kay Esperon mula sa 96 na barangay sa Marawi City tatlong barangay na lamang okupado ng mga terorista.
Inihayag Esperon na sa mga susunod na araw ay tuluyan ng mababawi ang buong lungsod ng Marawi sa kamay ng Maute group.
Niliwanag ni Esperon na nakahanda na ang rehabilitation ng Marawi City para maibangon ang lungsod mula sa pagkawasak dahil sa digmaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang Maute group.
Ulat ni: Vic Somintac