Tatlong bumbero patay sa wildfires sa Portugal
Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sanhi ng wildfires sa Portugal, makaraang mamatay ang tatlong Portuguese firefighters nitong Martes, sa isa sa dose-dosenang forest fires na nananalasa ngayon sa central at northern regions ng bansa.
Mahigit sa 50 active wildfires ang tinatangkang apulahin ng Portugal sa kanilang mainland, at pinakilos na ang humigit-kumulang 5,300 mga bumbero at humingi na rin ng tulong sa European Union (EU).
Isinara ng mga awtoridad ang ilang motorways, kabilang ang kahabaan ng main highway na nag-uugnay sa Lisbon at Porto, at sinuspinde na rin ang train connections sa dalawang railroad lines sa northern Portugal.
Sinabi ni ANEPC civil protection authority commander Andre Fernandes sa mga mamamahayag, na ang tatlong bumbero mula sa Vila Nova de Oliveirinha fire brigade ay namatay habang inaapula ang isang sunog sa Nelas, isang bayan na nasa 300 km (190 milya) sa hilagang-silangan ng Lisbon.
Una na ring sinabi ng deputy ni Fernandes na si Mario Silvestre, “Overall situation was calmer but still worrying and complex, with many villages and settlements being affected, and the teams very dispersed across this theatre of operations.”
Si Silvestre ay nasa command centre sa Oliveira de Azemeis sa northwestern Aveiro district, kung saan ang isang cluster ng apat na sunog ay nagresulta ng pinakamalalang pinsala sa ngayon, kung saan tinupok nito ang dose-dosenang mga bahay, habang apat katao rin ang namatay.
Ayon pa kay Fernandes, “The Aveiro fires that had burned through more than 10,000 hectares (24,710 acres) of forest and shrubland, could engulf a further 20,000 hectares.”
Ang Portugal at kapitbahay nitong Spain, ay nakapagtala ng mas kaunting mga sunog kaysa karaniwan pagkatapos ng maulang pagsisimula ng taon, ngunit parehong nananatiling lantad sa mas mainit at tuyong mga kondisyon na isinisisi ng mga siyentipiko sa global warming.
Ang mga temperatura ay umabot ng 30 degrees Celsius (86 degrees Fahrenheit) sa magkabilang panig ng bansa nitong weekend, nang unang sumiklab ang mga sunog na pinalagablab pa ng malakas na hangin.
Sinabi ni Jorge Ponte ng IPMA meteorology agency, “Monday was one of the worst days ever for fire risk in Portugal, combining high temperatures even close to the sea, wind gusts that reached 70 kmh and very low humidity, all brought by an anticyclone.”
Aniya, “These factors create ‘a cocktail of dangerous conditions.’ But the situation could improve by Wednesday afternoon, with a chance of showers on Thursday, although the danger would still persist.”
Nitong Lunes ay humingi na ng tulong ang gobyerno sa European Commission sa ilalim ng EU civil protection mechanism, na nanguna sa Spain, Italy at Greece na magpadala ng tig-dalawang water-bombing aircraft.