Tatlong buwang sweldo ni U.S President Donald Trump, ibinigay sa National Park Service

Nagpasya  si US President Donald Trump na i-donate ang kanyang unang tatlong buwang sweldo sa National Park Service.

Kasabay ng briefing sa White House ibigay ni White House press secretary Sean Spicer ang malaking tseke ng first-quarter salary ni Trump kay Interior Secretary Ryan Zinke na nagkakahalaga ng $78,333.

Una nang nangako ang Republican President na kanyang ibibigay ang taunang sahod na nagkakahalaga ng $400,000 o katumbas ng  P20 milyon kung mahahalal siya bilang Pangulo.

Agad namang nagpahayag ng kanilang kagalakan ang National Park Service sa desisyon ni Trump.

Ang National Park Service ang nangangasiwa sa lahat ng national parks sa buong Estados Unidos maging ang mga national monuments at iba pang mga historical properties.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *