Tatlong delinquent taxpayers sa Ilocos region sinampahan ng reklamong Tax evasion ng BIR sa DOJ dahil sa halos 16 milyong pisong utang sa buwis

Ipinagharap ng BIR ng reklamong Tax evasion sa DOJ ang tatlong delinquent taxpayers mula sa Ilocos region dahil sa halos 16 na milyong pisong utang sa buwis.

Partikular na kinasuhan ng paglabag sa Section 255 ng Tax code ang mga negosyanteng sina Jose Dyquiangco at Wilson Gabuten Tan.

Kabuuang 9.3 million pesos ang tax liability noong 2007 ni Dyquiangco na nasa softdrink business sa San Fernando City, La Union.

Umaabot naman sa 2.7-Million pesos ang hinahabol  ng BIR kay  Tan na nasa tobacco trading business sa Ilocos Sur.

Sinampahan din ng BIR ng tax evasion complaint sa DOJ ang may-ari ng kumpanyang North Med Enterprise na si Lemuel Sibuma Consolacion na nagne-negosyo ng pharmaceutical supplies sa San Fernando City, La Union.

Nasa 3.4-Million pesos naman ang utang sa buwis ni Consolacion para sa mga taong 2015 at 2016.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *