Tatlong dibisyon ng Korte Suprema, muling binalasa
Muling nire-organisa ang tatlong dibisyon ng Korte Suprema kasunod ng pagkakatalaga kay bagong Associate Justice Samuel Gaerlan.
Sa ilalim ng Special order no. 2762 na nilagdaan ni Chief Justice Diosdado Peralta, siya pa rin ang chairperson ng First Division, Working chairman si Justice Alfredo Benjamin Caguioa at miyembro naman sina Justices Jose Ryes Jr., Amy Lazaro Javier at Mario Lopez.
Si Justice Estela Perlas Bernabe naman ang chairman ng second division at miyembro naman sina Associate Justices Andres Reyes Jr., Ramon Paul Hernando, Henry Jean Paul Inting at Edgardo Delos Santos.
Si Justice Marvic Leonen ang chair ng third divisionat miyembro naman sina Justices Alexander Gesmundo, Rosmari Carandang, Rodil Zalameda at Gaerlan.
Ulat ni Moira Encina