Tatlong Estudyante patay matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga del Sur
Nasawi ang tatlong estudyante habang dalawa pa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Bayog, Zamboanga del Sur.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP Bayog, magpipinsan ang limang biktima na umakyat sa bundok para manguha ng saging na kanilang ibebenta.
Gagamitin ng mga estudyante ang kikitain sa pagbebenta ng saging para bayaran ang gugol sa kanilang school intramurals.
Tatlo sa limang biktima ang idineklarang dead on arrival sa pagamutan na kinabibilangan ng isang trese anyos habang kapwa disi-sais anyos naman ang dalawa.
Kabilang naman sa nasugatan ang isang kinse anyos at beinte anyos na lalaki, na kapwa inilipat sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian city.
Isa sa biktima ang kailangang sumailalim sa operasyon dahil sa matinding sunog sa katawan.