Tatlong hinihinalang miyembro ng Maute na nahuli sa Iloilo Isinalang na rin sa inquest proceedings
Isinalang na rin sa inquest proceedings ang tatlo pang hinihinalang miyembro ng grupong Maute na naaresto noong linggo sa pantalan sa Iloilo.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, reklamong rebelyon ang inihain sa piskalya laban kina Aljadid Pangompig Romato alyas Hadid, Farida Pangompig Romato at Abdulrahman Serad Dimakatuh.
Isinagawa ang inquest sa tatlo sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Ang tatlo ay nadakip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang sakay ng 2Go vessel na nagmula sa Cagayan de Oro patungo sa Maynila.
Nag- stopover sa Iloilo ang barko nang arestuhin ang tatlo na nasa arrest order 2 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ulat ni: Moira Encina