Tatlong indibidwal inaresto ng NBI at BSP sa Sta Cruz, Maynila dahil sa pamemeke ng salapi
Arestado ng pinagsanib na pwersa ng NBI at Bangko Sentral ng Pilipinas ang tatlong indibidwal sa Sta Cruz, Maynila dahil sa pamemeke ng salapi.
Kinilala ng NBI- counter terrorism division ang mga nadakip na si Richard J. Ansus at ang mga kasabwat nito na sina Anthony A. Cuatico at Lirmalynne C. Pablo.
Ayon sa NBI, batay sa intelligence report, si Ansus ay sangkot sa iligal na paggawa at produksyon ng counterfeit money o pekeng pera.
Ikinasa ngNBI at BSP ang operasyon laban sa grupo ni Ansus alinsunod sa search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court.
Ang tatlo ay mahaharap sa kasong illegal possession and use of false treasury at manufacfure and possession of instruments for falsification.
Ulat ni: Moira Encina