Tatlong Koreanong pugante, arestado ng NBI sa Makati City
Timbog ng NBI- Special Action Unit sa Legazpi Village, Makati City ang tatlong Koreano pugante.
Ayon sa NBI, may outstanding warrants of arrest sa South Korea ang mga naarestong sina Changjoo Cho Dawon Beom, at Changwoo Hong.
Ikinasa ng NBI ang operasyon sa mga dayuhan matapos matanggap ang impormasyon na sangkot sa kidnap-for-ransom syndicate sa Maynila at Makati ang tatlo, at may unlicensed high-powered firearms ang mga ito na ginagamit sa mga iligal na aktibidad.
Napag-alaman din mula sa records ng Bureau of Immigration na wanted sa South Korea ang tatlo dahil sa paglabag sa Korean National Sports Promotion Act na may parusang hanggang pitong taon na pagkakakulong.
Sinalakay ng NBI- SAU at BI ang tinitirhan na condominium unit ng mga dayuhan kung saan nadatnan ang tatlo at isa pa nilang kasamahan.
Positibong kinilala ng police liaison officer ng Korean Embassy ang tatlong pugante na itinurn over sa BI Fugitive Search Unit.
Wala naman nakitang derogatory record ang mga otoridad sa isa pang Koreano na kasama ng tatlo.
Moira Encina