Tatlong kumpanya sa Quezon at Pasig City sinampahan ng tax evasion case ng BIR sa DOJ
Tatlong kumpanya mula sa mga lungsod ng Quezon at Pasig ang sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR sa DOJ dahil sa utang sa buwis na aabot sa halos labing-isang milyong piso.
Una sa kinasuhan ang multi dimension trading at ang may-ari nito na si James Caruncho Maniego na nakabase sa Cubao, Quezon City dahil sa di binayarang buwis noong 2006 na 5.23 million pesos.
Ipinagharap din ng kaparehong paglabag sa tax code ang eco state builders incorporated at ang general manager nito na si Elenita B. Inchiong mula sa sacred heart, Quezon City para sa tax liability noong 2007 na 2.71 million pesos.
Hinahabol din ng BIR ang tax deficiency ng Medityre Corporation at ang Presidente nito na si Lorenzo Vito M. Sarmiento mula sa Pasig City na umaabot sa 2.64 million pesos noong 2010.
Ang tatlong kumpanya ang ika-apatnaput-walo ,ika- apatnaput siyam ikalimampu na sinampahan ng BIR ng tax evasion case sa ilalim ng pamahalaang Duterte.
Ulat ni: Moira Encina