Tatlong kumpanya sinampahan ng reklamong Tax Evasion ng BIR dahil sa mahigit 220 milyong pisong utang sa buwis

Ipinagharap ng reklamong Tax evasion sa Department of Justice o DOJ ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang tatlong kumpanya dahil sa hindi binayarang buwis na umaabot sa mahigit 220 million pesos.

Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ng BIR ay sa Mannasoft Technology Corporation na umaabot sa 199.59 million pesos para sa taxable year 2010.

Kasamang kinasuhan ng paglabag sa Tax Code ang mga opisyal ng Mannasoft na si Hans C. Dee, Presidente; Rosalinda B. Dee, Treasurer at Alma L. Fernandez, AVP-Finance.

Kabuuang 17.71 million pesos naman ang utang sa buwis ni Fernando Q. Fermin, may-ari ng Maefer Gasoline Service para sa taong 2011.

Kinasuhan din ng tax evasion ng BIR ang Project S Automotive Center Incorporated at mga opisyal nito na si Sherwin Harris T. Uy, Chairman; Jo-anne T. UY, presidente at Christopher T. Uy, treasurer dahil sa hindi binayarang buwis noong 2011 na halos tatlong milyong piso.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *