Tatlong kumpanya sinampahan ng Tax Evasion case ng BIR sa DOJ
Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue ng reklamong tax evasion sa Department of Justice ang tatlong kumpanya dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Una sa kinasuhan ay ang Diversified Plastic Film Systems Incorporated at ang mga opisyal nito dahil sa mahigit ₱81million na tax liability noong 2006.
Sinampahan din ng BIR ang High Capacity Security Force Incorporated at mga opisyal nito dahil sa halos ₱12 million na hindi nabayarang buwis noong 2008.
Hinahabol din ng BIR ang Ruby Star Services Incorporated at mga opisyal nito dahil sa tax deficiency noong 2009 na umaabot sa ₱11.58 million.
Ayon sa BIR, pinadalhan na nila ng sulat ang tatlong korporasyon kaugnay ng utang ng mga ito sa buwis pero hindi pa rin binayaran ang kanilang pagkakautang kaya sinampahan na nila ng reklamo ang mga ito.
Ulat ni: Moira Encina