Tatlong libo at limang daang bata , namamatay taun- taon dahil sa isang uri ng Diarrhea, ayon sa mga eksperto
Itinuturing na public enemy ang isang uri ng Diarrhea na tinatawag na Rota Virus Diarrhea.
ayon kay Dr. Lulu Bravo, Professor Emeritus, UP-Manila, College of Medicine, ang Rota Virus Diarrhea ay isang malala, seryoso at nakamamatay na uri ng Diarrhea na ang karaniwang naaapektuhan ay pawang mga bata.
Sa Pilipinas, nasa tatlong libo at limang daang mga bata ang namamatay taun taon sanhi ng naturang sakit.
Sinabi pa ni Dr. Bravo na ang unang atake ng Rota Virus sa katawan ang siyang ikinukonsidera nilang pinakamapanganib.
Paliwanag pa ni Dr. Bravo ang Rota Virus ay sanhi ng iItestinal Viral Infection at kabilang sa mga sintomas ay lagnat, pagsusuka at pagdudumi.
Kaya naman, payo pa niya sa mga ina lalo na ang mga may sanggol na kumpletuhin ang bakuna ni baby at mag breastfeed ng tuloy tuloy sa loob ng anim na buwan.
Bukod dito, ugaliin ang madalas na paghuhugas at pagsasabon ng mga kamay, dahil madaling makahawa ang nabanggit na sakit.
Ulat ni: Anabelle Surara