Tatlong milyong Filipino,, dumaranas ng Depression….Isda, mabisang panlaban sa Depresyon
Tatlong milyong mga Filipino ang nakakaranas umano ng Depressive Disorder.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO.
Ayon sa mga eksperto, simple lang naman ang dapat gawin upang maiwasan ang depresyon.
Ito ay sa pamamagitan lamang ng pagkain ng mga uri ng isda.
Epektibong gamot umano ang isda sa mga taong madalas na makaranas ng depresyon.
Kabilang sa mga isda na dapat kahiligang kainin upang maiwasan ang depresyon o labis na kalungkutan ay ang Salmon, Sardinas at Tuna.
Angmga nabanggit na isda ay sagana umano sa fatty acids na siya namang nakatutulong upang lunasan ang mga taong dumaranas ng manic-depression.
Karagdagang payo pa ng mga eksperto na mas mainam na i-steam o i-ihaw ang isda kaysa i-prito.
Ulat ni Belle Surara