Tatlong PDEA agents kinasuhan ng homicide ng DOJ kaugnay sa Commonwealth shootout
Sinampahan na ng kaso sa korte ng DOJ ang ilang PDEA agents at pulis na dawit sa shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District at ng PDEA sa Commonwealth, Quezon City noong Pebrero ng nakaraang taon.
Sa resolusyon ng DOJ Panel of Prosecutors, inirekomendang kasuhan ng homicide sina PDEA agents Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol, at Jejou Satiniaman kaugnay sa pagkamatay ng pulis na si Eric Elvin Garado.
Kasong direct assault naman ang ipinasasampa laban sa mga pulis na sina Paul Christian Gandeza, Honey Besas, Sandie Caparroso, at Melvin Merida dahil sa pagkakasugat sa engkuwentro ng tatlong PDEA operatives.
Ayon sa DOJ, nakitaan nito ng sapat na ebidensya para kasuhan sa korte ang mga nasabing respondents ng homicide at direct assault.
Inihain ang kaso laban sa mga akusado sa mga kinauukulang hukuman sa Quezon City.
Ibinasura naman ng panel ang reklamo laban
PDEA agent Romeo Asuncion kaugnay sa pagkamatay ni P/Cpl. Lauro De Guzman dahil sa hindi natukoy ang armas at bala na nakapaslang sa biktima.
Hindi rin isinulong sa korte ang kaso laban kay
P/Cpl. Alvin Borja ukol sa pagkamatay ni PDEA agent Rankin Gano bunsod ng kawalan ng ebidensya.
Dismissed din ang iba pang reklamo gaya ng attempted homicide, robbery at iba pa sa lahat ng mga isinasangkot dahil sa kakulangan ng mga ebidensya.
Moira Encina