Tatlong pinaniwalaang miyembro ng local terrorists, kabilang ang menor de edad, sumuko sa militar sa Lanao Sur
Sumuko sa mga tauhan ng 82nd Infantry Batallion ng Philippine Army ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng local terrorist group sa Barangay Pawak sa Bayan ng Saguiran, Lanao del Sur.
Nakilala ang mga sumuko na sina Mail Tinga, Jamil Dimasangcay at ang isang 16 years old na si Juhari Mangotara.
Ayon kay Lt. Col. Arman Altre Commnader ng 82nd IB, ang tatlo ay mga kasapi ni Maute Group sub-leader Imam, Mangotara at Dimasangcay na dati ng nakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno sa bundok ng Gacap, Piagapo noong 2017, at sangkot sa mga armed engagements sa mga bayan ng Butig at Piagapo noon 2016.
Isinuko din ng tatlo ang isang M-79 grenade launcher at dalawang caliber .45 handguns, na ngayoy nasa custodiya na ng 82nd IB for proper documentation and disposition.
Kinondena naman ni Lt Gen Cirilito Sobejana Commander ng Armed Forces Western Mindanao Command, ang pananamantala ng mga rebeldeng grupo sa paggamit nito ng mga menor de edad para ilaban sa militar, dahil pinapatay lamang ng mga rebelding grupo ang kinabukasan ng mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan.
Nanawagan si Sobejana sa magulang bantayan ang mga anak, i-monitor ang aktibidad ng mga bata araw-araw at huwag hayaan mapahamak ito sa paglinlang ng mga rebeldeng grupo.
Ulat ni Ely Dumaboc