Tatlong Pinoy films, kalahok sa International Filmfest ngayong taon
Tatlong pelikulang Pinoy ang nakakuha ng imbitasyon sa International Film festival sa Asya at Europa ngayong 2018.
Kabilang dito ang pelikulang “Bagahe” ni Direk Zig Dulay na lalahok sa tatlong film festivals sa Europa.
Magkakaroon ang pelikulang Bagahe ng International premiere partikular sa Vesoul International film festival of Asian Cinema sa January 30 hanggang February 6.
Ang Bagahe ay nominated din sa London International Film festival na gagawin naman mula February 10 hanggang 17 para sa Best Cinematographer para kay Albert banzon, Best Actress para kay Angeli Bayani, Best Supporting actress para kay Shamaine Buencamino at Best Director.
Samantala, dalawa pang Pinoy films ang naimbitahan sa 16th Pune International Film festival sa India na natapos na kahapon.
Ito ay ang “Women of the Weeping river” ni Direk Sheryn Dayoc na lumaban sa The World competition section habang ang pelikulang bomba ni Ralsyon Jover ay lumahok sa “Asian cinema contest” ng festival.
=== end ===