Tatlong pulis itinuro ng testigo na bumaril at pumatay kay Kian delos Santos
Humarap na sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous drugs na pinamumunan ni Senador Panfilo Lacson ang isa sa tatlong testigo sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos sa Oplan Galugad sa Caloocan.
Sa kaniyang testimonya, itinuro ng testigong si “MC” sina PO3 Arnel
Oares at PO1 Jeremias Pereda na umano’y kumaladkad kay Kian bago ito
mapatay.
Sa salaysay ni “MC”, bumibili siya ng bigas nang maaktuhan niyang bitbit ng mga pulis si Kian kung saan ilang minuto lang ay narinig na ang mga putok ng baril at natagpuan itong patay.
Pero hindi napiga ni Senadora Risa Hontiveros ang mga pulis at iginiit ang kanilang rights against self incrimination.
May nakapending na aniya silang kaso sa Ombudsman at Department of Justice.
Pero sa mahigit tatlong taon sa serbisyo, ngayon lang sila nasangkot sa kaso ng pagpatay.
Sabi tuloy ni Hontiveros, tila ginagawang panangga ng mga akusado ang rights against self incrimination para makaiwas sa kaso.
Kinumpirma naman ni PNP Chief Ronald dela Rosa na nasa restrictive custody pa ang tatlo at hindi pa sila maaring ikulong dahil tatagal pa ng dalawang buwan bago matapos ang preliminary investigation ng DOJ.
Ulat ni: Mean Corvera