Tatlong residente sa Pulilan nagsauli ng sobrang natanggap na ayuda
Tatlong residente ng Barangay Dulong Malabon sa Pulilan, Bulacan ang nagsauli ng tig-iisang libong pisong sumobra sa natanggap nilang ayuda.
Ayon kay Dulong Malabon barangay secretary Ernesto Rabago, dalawa sa mga ito ay nadoble ang entry sa masterlist, habang ang isa sa mga beneficiaries na namatay na ay hindi agad na-delete sa system, kaya mismong magulang na lamang nito ang nagsauli ng lumabis na isanglibong piso.
Samantala, namamalaging mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang barangay.
Ayon kay barangay chairman Rolando Tayao, may alternatibo silang ginagawa para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Sa huling tala ng barangay, mula 2020 hanggang sa kasalukuyan ay nakapagtala lamang sila ng kabuuang 25 kaso, 21 rito ay gumaling habang tatlo pa ang active cases at isa naman ang namatay.
Dagdag pa ni Tayao, patuloy din ang suporta ng pamahalaang lokal ng Pulilan sa pangunguna ni Mayor Maria Rosario Ochoa Montejo, katiwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Ulat ni Jimbo Tejano