Tatlong SC Divisions, muling nireorganisa kasunod ng appointment ni bagong Justice Japar Dimaampao
Nagpatupad muli ng reorganisasyon ang Korte Suprema sa tatlong dibisyon nito matapos na mahirang si bagong Associate Justice Japar Dimaampao.
Sa Special Order No. 2840 na pirmado ni Chief Justice Alexander Gesmundo, inilagay si Dimaampao bilang miyembro ng Supreme Court Second Division at additional member ng Third Division.
Si Gesmundo ang chairperson ng SC First Division habang working chair si Justice Alfredo Benjamin Caguioa at mga miyembro sina Justices Amy Lazaro- Javier, Mario Lopez, at Jhosep Lopez.
Ang Second Division ay pinamumunuan ni Senior Associate Justice Estela Perlas- Bernabe at mga miyembro sina Justices Ramon Paul Hernando, Henri Jean Paul Inting, Samuel Gaerlan, at Dimaampao.
Si Justice Marvic Leonen naman ang chair ng Third Division at mga miyembro sina Justices Rosmari Carandang, Rodil Zalameda at Ricardo Rosario.
Moira Encina