Tatlong Social Services and Caring facilities ng QC, pinasinayaan
Pinasinayaan ng Quezon City Government ang itinayong Social Services and Caring facilities sa lungsod.
Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte.
Layunin ng pagpapatayo ng naturang pasilidad na mapangalagaan ang mga Senior Citizens na inabandona ng kanilang pamilya , ang mga biktima ng karahasan at pangaabuso at mga menor de edad na may ginawang paglabag sa batas.
Tinawag ang mga Social Services and Caring facilities na Bahay Aruga na matatagpuan sa Barangay Kamuning, Shelter for Victims of Gender-Based Violence and Abuse na nasa Brgy. Holy Spirit, at Molave Youth Home na nasa Bgy. Payatas.
Ayon sa Social Services and Development Department ng lungsod na siyang mangangasiwa ng mga nabanggit na shelter, kakalingain sa bahay aruga ang mga senior citizens na pinabayaan na ng kanilang mga pamilya, bibigyan naman ng proteksyon sa Shelter for Victims of Gender-Based Violence and Abuse ang mga kababaihan at kabataan na biktima ng karahasan at pang-aabuso.
Bibigyan din sila ng counseling, edukasyon at livelihood skills upang kanilang makalimutan ang kanilang masasakit na mga karanasan.
Ang Molave Youth Home naman ang pansamantalang magiging tahanan ng mga menor de edad na may nagawang paglabag sa batas.
Belle Surara