Nagpopositibo sa HIV-AIDS kada araw, umaabot sa 30 ayon sa DOH
Naaalarma na ang Department of Health dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong dinadapuan ng HIV-AIDS.
Ayon kay DOH Spokesman Asec. Eric Tayag, bawat araw ay may tatlumpung pasyente ang nada-diagnosed na may HIV-AIDS.
Noong Marso lamang ay may naitalang 968 na bagong HIV at AIDS cases, at ito ang pinakamataas na naitalang kaso mula nang magsimulang magmonitor ang kagawaran noong 1984.
Sinabi pa ni Tayag na nakatatawag pansin din na pabata nang pabata ang edad ng mga dinadapuan ng nabanggit na sakit.
Ulat ni: Anabelle Surara
Please follow and like us: