Tawilis reserved area, isinusulong ng BFAR

Isa sa naging dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga isdang Tawilis ay ang fishing pressure.

Paliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Public Information office Chief Nacer Brigera, kapag tumataas ang populasyon ay tumataas din ang demand sa fish resource.

Posible rin aniyang factor ay ang maling paraan ng pangingisda at ang hindi tamang paggamit ng tubig sa Taal Lake at ang polusyon.

Ito aniya ang dahilan kung bakit isinusulong ng BFAR ang pagpapatupad ng closed season para sa mga isdang Tawilis sa darating na Marso.

Nauna nang idineklara ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) ang mga Sardinella Tawilis bilang endangered species.

Pero maliban sa closed season isinusulong din aniya ng BFAR ang pagkakaroon ng Tawilis reserved area.

Itong Tawilis reserved area ay completely ay hindi ito gagalawin sa loob ng isang taon. Parang pina-sanktwaryo ito ng mga isda. Kahit ma-lift man ang closed season in a particular period of the year, may mga lugar na idedeklarang reserved areas”. – BFAR PIO Chief Nacer Brigera

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *