Tax exemption para sa cancer medication, isusulong ng DOH

 

 

Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang tax exemption para sa Cancer medication.

Ito ay matapos alisin ang value-added tax sa  paggamot laban sa mga sakit na diabetes, high cholesterol at hypertension.

Pahayag ni Health Secretary Francisco Duque, malaking tulong ito sa mga gumagastos ng libo, o milyon para sa paggamot ng cancer.

Ayon sa kalihim ng kagawaran,  mahalagang unahin ang most common medications lalo na at ang gamutan sa cancer ay aabot ng 150,000 piso hanggang 2 milyong piso.

Sa datos ng DOH, nananatili pa ring breast cancer ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kababaihan sa Pilipinas at lung cancer naman sa mga kalalakihan.

Lubos na kasiyahan naman ang naramdaman ng mga kamag anak ng pasyenteng dinapuan ng Cancer.

 

 Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *