Tax exemption sa pagbili ng mga LGU ng COVID- 19 vaccine, aprubado sa Komite sa Kamara
Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukala para sa tax exemption sa pagbili ng nga LGU ng COVID-19 vaccine.
Sa ilalim ng Section 6 ng House Bill (HB) 8648 o proposed Emergency Vaccine Procurement Act of 2021 na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco nakasaad na kabilang din sa exemptions sa pagbili ng bakuna ng mga LGU ay ang pagbabayad ng customs duties, value-added tax, excise tax at iba pang fees na kailangang bayaran.
Una rito inaprubahan na rin ng House Committee on Appropriations ang panukala na layong pabilisin ang pagbili ng mga LGU ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Velasco mahalaga ang bawat oras sa laban sa COVID-19 at ang bawat araw na delay sa procurement nito ay makaking banta sa mga Filipino.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan rin ng exemption ang mga LGU sa mahabang procurement process sa pagbili ng bakuna at iba pang kailangang supply ngayong pandemya.
Pinapayagan rin ang isang LGU na magbayad ng advance sa pagbili ng bakuna sa foreign manufacturers.
Madz Moratillo