Taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz pumasok pa sa trabaho noong September 3

Nagbyahe pa ng taxi  noong September 3 si Tomas Bagcal, ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz.

Ito ay batay sa tatlong kinatawan  ng R&E  taxi kung saan nagmamaneho si Bagcal.

Nagtungo sila sa NBI para isumite ang resume ni Bagcal, Daily Time Record at employee’s record.

Ayon sa kanila, huling pumasok si Bagcal noong September 3 sa ganap na 4:23 ng hapon at nag-garahe  ng taxi 5:16 ng umaga ng September 4.

Sinubukan pa ng R & E taxi na tawagan sa cellphone si Bagcal pero hindi na ito makontak.

Batay sa daily time record ni Bagcal, nagreport ito sa trabaho noong August 17, ng 4:22 ng hapon, at bumalik sa garahe ng R & E sa Baesa, Caloocan ng August 18 sa ganap na 9:05 ng umaga.

Nakalagay din sa daily record na naireport niya ang nangyaring panghoholdap sa kanya.

Nasabi rin ni Bagcal sa isa sa empleyado ng R & E na siya ay hinoldap sa bahagi ng C3 at isang tao lamang ang nangholdap sa kanya.

2008 pa nagmamaneho ng taxi sa R & E si Bagcal.

Sa resume ni Bagcal , nakasaad na nakatapos ito ng kolehiyo noong 1984 sa La Sallete College sa Santiago City, Isabela sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management Banking and Finance.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *