Taylor Swift lalabas sa Tribeca Festival para sa kaniyang short film na ‘All Too Well’

Taylor Swift attends the “All Too Well” premiere at AMC Lincoln Square on November 12, 2021 in New York. 
ANGELA WEISS / AFP

Inanunsiyo ng organizers, na lalabas sa Tribeca Festival si Taylor Swift para sa isang special screening ng kaniyang short film na All Too Well, kung saan tatalakayin niya ito sa audience pagkatapos.

Sa kaniyang pakikipag-usap sa audience pagkatapos ng special screening, tatalakayin ni Swift ang kaniyang approach bilang isang flmmaker.

Ayon sa announcement, ang special screening ay alas-3:00 ng hapon sa June 11 na gaganapin sa Beacon Theatre, bilang bahagi ng Tribeca Festival, mula June 8 – June 19 sa mga venue sa New York.

Ang short film ng 11-time Grammy winner na kinunan sa 35mm film, na siya mismo ang sumulat at direktor nito, ay base sa isang mas mahaba, 10-minute version ng kaniyang awiting “All Too Well.” Ito ay mula sa Red (Taylor’s Version) track, na lumabas noong November.
Ang original version ng Red, na inilabas noong 2012, ay may five-minute version ng “All Too Well.”

Ang short film ay pinagbibidahan ni Dylan O’Brien (The Maze Runner, Teen Wolf) at Sadie Sink (Stranger Things), kasama ni Swift.

Inanunsiyo rin ng organizers na ang aktor at rapper na si Common ay tatanggap ng ikalawa nilang annual Harry Belafonte Voices for Social Justice Awards, na ipinangalan sunod sa aktor at civil rights leader. Ang unang annual award ay napunta kay Stacey Abrams, para sa kaniyang leadership, service at commitment na labanan ang kawalan ng katarungan at pagprotekta sa karapatang bumoto.

Una na ring inanunsiyo ng organizers na ang Tribeca festival ay magsisimula sa June 8 sa United Palace na may world premiere ng HALFTIME, isang bagong documentary film na si Amanda Micheli ang direktor, at tungkol sa Super Bowl halftime show ni Jennifer Lopez at sa kaniyang journey bilang isang artist.
Ang iba pang highlights ay ang isang retrospective screening sa United Palace sa June 16 upang ipagdiwang ang 50th anniversary ng The Godfather na may introduction mula kay Al Pacino.

Magkakaroon din ng isang retrospective screening ng 1995 crime drama na Heat, tampok ang panayam kina Robert De Niro, Al Pacino, direktor na si Michael Mann, at producer na si Art Linson, pagkatapos ng screening sa June 17 sa United Palace.

Tatalakayin naman ng iba pang mga bituin ang kanilang trabaho sa festival, kabilang sina Seth Meyers, Tyler Perry, Pharell Williams, Aidy Bryant, Gayle King, at Cynthia Erivo.

Please follow and like us: