TB elimination target ng DOH sa taong 2022
Pinakahahangad ng kagawaran ng kalusugan ng Pilipinas na tuldukan na ang sakit na Tuberculosis o TB sa bansa”.
Target nila na sa taong 2022 ay tuluyan na itong mawala.
Globally naman, kailangang magsasama at magtulong tulong ang buong mundo laban sa sakit na ito kung kaya nga nagkaroon ng temang “unite to end TB; leave no one behind!”.
Layunin nito na ipalaganap sa mundo ang hangaring mawala na ang sakit na Tuberculosis na hanggang sa kasalukuyan ay nakaaapekto sa aspetong pangkalusugan ng populasyon ng bawat bansa.
Ayon sa DOH, sa ngayon mas madali nang ma-detect kung ang isang tao ay may tuberculosis, dahil, sa pinakabagong technology na kung tawagin ay gene expert.
Sinabi ni DOH Spokersperson Dr. Eric Tayag na may hinihintay silang Executive Order mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng naturang sakit.
Malaking tulong din ang programa ng DOH na tinawag na directly observe treatment short course o DOTS kung saan ito ay nasa 190 cites sa buong bansa.
Anim na buwang tuloy tuloy na gamutan sa isang pasyenteng may TB sa ilalim ng programang DOTS ay tiyak ang kanilang paggaling at ito ay libre.
Kaya naman, ang mga taong dinapuan ng sakit na nabanggit ay hindi na dapat mangamba dahil sila ay gagamutin ng libre at hindi sila dapat na matakot dahil ang Tuberculosis ay nagagamot.
Ulat ni: Anabelle Surara