TCWS no. 3 itinaas sa Cagayan, Isabela at Apayao dahil sa bagyong “Egay” – PAGASA
Nadagdagan pa ang mga lalawigan na isinailalim sa Tropical Wind Signal Number (TCWS) 3 dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Egay’.
Sa 5:00AM bulletin ng state weather bureau o PAGASA, patuloy na lumalakas ang bagyo habang bumabaybay sa karagatan at lumalapit sa kalupaan.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 350 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang maximum sustained winds na 175 kilometer per hour (km/h ) malapit sa gitna at bugso na hanggang 215 kilometer per hour (km/h).
Sa loob ng susunod na 12 oras, tinatayang patuloy na lalakas ang bagyong Egay at posibleng umabot sa super typhoon category.
Nananatili ang cone of probability na posibleng bumaba ang bagyong Egay na magre-resulta sa posibleng pag-landfall ng bagyo sa mainland Cagayan o sa area ng Batanes.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay sa Huwebes.
Dahil sa banta ng malalakas na ulan at mapanganib na hangin na maaaring magdulot ng mga landslides at pagbaha, pinag-i-ingat ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar ng bagyo.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 3 sa:
- Babuyan Islands
- Northern at eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanches-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
- Northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan)
- Northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Habang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 naman sa:
- 2 Wind threat: Gale-force winds Batanes
- Rest of mainland Cagayan
- Rest of Isabela
- Quirino
- Northern portion Nueva Viscaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Vilalverde, Solano, Bayombong)
- Rest of Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur, at
- Northern and central portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dimaculao)
Tropical Cyclone Wind Signal number 1naman ang umiiral sa:
- La union
- Pangasinan
- Rest of Benguet
- Rest of Nueva Viscaya
- Rest of Aurota
- Zambales
- Bataan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Quezon
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Northern portion of Masbate (Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Baleno)
- Burias and Ticao Islands
- Northern Samar
- Northern portion of Samar (San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City)
- Northern portion of Eastern Samar (Oras, Arteche, Jipapad, Dolores, San Policarpio, Maslog)
Patuloy namang magpapa-ula nang southwest monsoon o habagat na pinaigting pa ng bagyong Egay sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sasusunod na tatlong araw.
Weng dela Fuente