Teen players Raducanu at Fernandez, maghaharap sa US Open final
Ang 18-year old British na si Emma Raducanu, ang unang qualifier na nakarating sa Grand Slam final, kung saan makakaharap niya ang 19 anyos na Canadian na si Leylah Fernandez.
Kung mananalo sa final, si Raducanu na sa pagsisimula ng taon ay hindi kilala kahit sa Britanya, ang magiging pinakabatang Slam finalist sa loob ng 17 taon.
Tinalo niya sa semi-final round ang Greek 17th seed na si Maria Sakkari.
Aniya . . . “I’m in the final and I can’t actually believe it.”
Tinalo naman ni Fernandez ang 73rd-ranked left-hander at second seed na si Aryna Sabalenka ng Belarus.
Ayon kay Fernandez . . . “Now I can say I’ve done a pretty good job of achieving my dreams.”
Ang dalawang teen players ay maghaharap bukas (Sabado), sa Atrhur Ashe Stadium para sa US Open final.
Ito ang unang Slam final sa pagitan ng teen players, mula nang daigin ng 17 anyos na si Serena WIlliams ang 18 anyos na si Martina Hingis, sa 1999 US Open at ito rin ang ika-8 all-teen Slam final sa Open era (mula noong 1968).
Si Raducanu ang magiging pinakabatang Slam finalist, mula nang magwagi ang 17 anyos na si Maria Sharapova sa Wimbledon noong 2004.
Siya rin ang naging pangalawang babae na hindi kasama sa top 100 rank na nakarating sa US Open final, matapos na manalo sa 2009 US Open ang unranked player na si Kim Clijsters.
Tatangkain ni Raducanu na maging unang babaeng taga Britanya na mananalo ng isang Grand Slam title, mula nang magawa ito ni Virginia Wade sa Wimbledon noong 1977, at maging unang British na mananalo sa US Open na napagwagian din ni Wade noong 1968.
Samantala, una nang tinalo ni Fernandez ang defending champion na si Naomi Osaka at fifth-seeded na si Elina Svitolina, bago niya dinaig ang 23 anyos na si Sabalenka.
Dagdag pa ni Raducanu . . . “I played some of my best tennis to date. I knew I’d have to be super aggressive and execute and I’m just really happy with today’s performance.”
Sinabi ni Fernandez na wala siyang ideya kung paano siya nanalo.
Aniya . . . “I’d say it’s thanks to the New York crowd. They helped me. They cheered for me. They never gave up.”