Teenage pregnancy, pinangangambahang lumobo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo
Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na gumawa ng agaang aksyon para tulungan ang mga kabataan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Ito’y upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis gaya ng nangyari noong manalasa ang super typhoon Yolanda.
Ayon kay Gatchalian, batay sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Philippine National Research Institute (DOST-PNRI) noong 2017, umaabot sa 24% ang mga babaeng teenager ang nabuntis matapos ang hagupit ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Sa nasabing pag-aaral,ang mga bata aniyang may edad 10 hanggang 19 ay nasa panganib sa mga Relocation site dahil sila ay napagsasamantalahan at nabubuntis.
Dapat aniya itong maging hudyat sa mga lokal na pamahalaan para protektahan ang mga kabataan gaya ng pagpapatuloy ng Edukasyon at Reproductive Health.
Meanne Corvera