Teknolohiya laban sa mga flying voters isasalang sa pilot testing ng Comelec sa 2019 elections

Isasailalim sa pilot test ng Comelec sa 2019 elections ang automated voter verification para masawata ang mga flying voters.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez , maglalagay ang Comelec ng Voter Registration Verification System o VRVS Machine sa mga piling polling precinct sa araw ng eleksyon sa 2019.

Kabuuang 32, 067 VRVS machine ang balak ideploy ng Comelec sa May 2019 elections.

Sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya, sa halip na hingan ng ID ang botante, isasailalim sa scanning ang daliri ng mga botante bago bigyan ng balota.

Kung lalabas na positibo ang resulta ng fingerprint scanning, bibigyan ang botante ng balota at kung hindi naman tumugma, )lalabas na ang botante ay hindi rehistrado sa lugar.

Pinondohan ang proyekto ng 1.16 billion pesos, pero nagpapatuloy pa ang proseso ng bidding para sa teknolohiya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *