Teknolohiya na makatutulong sa mga displaced OFW sa bansa… idenevelop ng isang ahensya ng pamahalaan
Marami nang naitalang bilang ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs ang napilitang umuwi sa Pilipinas mula nang maranasan ang pandemya na dulot ng COVID-19.
Bagaman may mga financial assistance na ipinagkakaloob sa mga OFW’s ang ilang ahensya ng pamahalaan, kailangan pa rin nila ang isang matatag na hanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Kaugnay nito, sinabi ni Marita A. Carlos, ang Director ng Applied Communication Division o ACD ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development o PCAARRD ng DOST na ang kanilang ahensya ay patuloy na naglunsad ng mga programang makatutulong sa mga kababayan natin lalo na sa OFWs na naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Director Carlos, bahagi ng proyektong teknolohiya kaalaman para sa mamamayan ng GALING PCAARRD program ay ang pagpapalaganap ng teknolohiya at impormasyon gamit ang tonline o electronic library na ngayon ay mas kilala sa tawag na DOST PCAARRD E LIBRARY.
Sinabi ni Director Carlos na katuwang nila sa pagsasakatuparan ng E-Library ang Science Information Technology Institute o STII, na isa rin sa mga ahensya ng DOST.
Aniya, ang E-Library ay naglalayong makatulong sa ating mga kababayang OFWs upang mabuksan ang oportunidad pangkabuhayan para sa kanilang pagbabalik bayan.
Binigyang diin ni Director Carlos na sa nararanasang global health crisis dahil sa covid 19, hangad ng DOST PCAARRD na kahit paano ay makatulong ang mga programang pangkabuhayan na inilulunsad ng kanilang ahensya at maging katuwang ng bawat mamamayang Pilipino lalo na ang mga OFWS na nagbalik sa bansa sa kanilang pagbangon at pagsisimulang muli tungo sa ikauunlas ng kanilang buhay at pamumuhay.
Belle Surara